
Kasaysayan ng mga Blaan
Isa sa mga 18 Lumad tribes na matatagpuan sa Mindanao ang mga B'laan, na kabilang sa mga indigenous people’s group na bumiyahe mula sa Mindanao para makiisa sa Lakbayan 2016.
​
Ayon kay Dolphing Cugan, isa sa mga pinuno ng mga Blaan, ang kanilang tribo ay nagsimula bago pa ang panahon ng mga Espanyol. Noong panahon ng Sinaunang Pamayanan kung saan ang kalakalan ay masagana bago dumating ang mga Espanyol, mayroong dalawang magkapatid na pinuno, sina Flasap at Pley Fubli. Nag-asawa si Pley Fubli ng isang mangangalakal mula sa gitnang silangan habang si Flasap naman ay hindi. Ang mga anak ni Flasap ang kasalukuyan ngayong ninuno ng mga 18 grupong Lumad habang ang mga anak naman ni Pley Fubli ay ang mga ninuno ng 13 grupong Moro ngayon.
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
Dolphing Cugan, isang B’laan, Secretary-General ng kasagla
​
Bagamat ang makikitang nakatala sa kasaysayan ay ang ngalan ng grupo ng mga Moro, hindi ibig sabihin nito ay wala nang nagawang pakikipaglaban at pagdedepensa ang mga Blaan.
Panahon pa lamang ng mga Espanyol ay nakikipagdigma na ang mga Blaan upang depensahan ang kanilang teritoryo, ang lupang ninuno. Nilabanan ito ng mga angkan, ng mga pamilya, ng buong komunindad. Naging matagumpay naman ang pakikipaglaban nilang ito dahil hindi gaano naabot ang mga Blaan ng mga ideolohiyang kolonyalistang Espanyol, maging ng relihiyong Katolisismo.
Ngunit nang dumating ang mga Amerikano sa bansa, naabot nila at ng kanilang mga ideolohiya ang kaloob-looban ng Mindanao, gayundin ang komunidad ng mga Blaan dahil na rin sa mga missionary works ng relihiyong Protestantismo. Kumalat na sa mga Blaan ang mga ideolohiya at ilang kaisipang Amerikano ngunit kasabay nito ay ang patuloy nilang paglaban sa mga epekto ng kolonyalismong Amerikano..
Nariyan ang 1905 Mining Act na hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasaayos. Karugtong niyan ang patuloy na pangangamkam ng lupa dahil na rin sa abusadong sistema ng pagrerehistro sa lupa, at ang patuloy na pagkalimot ng pamahalaan sa mga pambansang minorya, o "Indigenous Peoples" sa ingles. Ayon pa kay Cugan, hindi sila nabibigyan ng kaukulang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at pangkalusugan na dapat ay kanila ring tinatamasa.
Ang teritoryo ng mga Blaan ay nakabase hindi sa papel ngunit sa kanilang “native title,” wika nga ni Cugan. Ang mga ito ay ang mga katawan ng lupa at tubig na kanilang pinoprotektahan tulad ng mga bundok, bulubundukin, ilog, lawa, sapa, at iba pa. Sabi pa ni Cugan, ang tribo ay isang tribo kung siya ay mayroong teritoryo, kultura, at sistemang pulitikal.
​
​
​
​
​
​
​
Ayon sa kanya, ang teritoryo rin ang nagsasaad ng ekonomiya ng komunidad habang ang pulitika naman ang nagsasaad sa kung papaano hinahawakan at pinapatakbo ang buong komunidad. Datu system ang mayroon sa tribo ng Blaan habang umaabot naman sa Sultanate system ang mga Moro. Sa katunayan, ang terminong "datu" ay nagmula sa mga "Moro." Hiniram lang ito ng ibang grupong Lumad dahil ito ang pinalaganap na katawagan ng gobyerno noong panahon ni Marcos. Bong fulong ang tawag sa katutubong pinuno ng mga B'laan (Lalo 2014, 1). Kung kaya ang datuship ay tinatawag sa Ingles na "fulongship." Kung isasalin sa Filipino, "pamumuno ng fulong" ang dapat itawag dito.
Dahil na nga rin sa ang teritoryo ang nagsasaad ng ekonomiya ng kanilang lugar, patuloy ang kanilang paglaban at pagdepensa sa kanilang lupang ninuno kahit na mayroong mga balakid tulad ng plantasyon ng mga saging, rubber, pinya, at oil palm. Maliban riyan ay ang sapilitang pagpasok ng mga malalaking kumpanya ng mga pagmimina.
Gawa ng patuloy na plantasyon, pagmimina, at kawalang responsibilidad ng pamahalaan sa mga nangyayari, marami sa mga katutubong ito ang nawawalan ng tirahan. Ayon kay Cugan, ang pakikipaglabang ginagawa nila laban sa pagmimina at sa pangangamkam ng mga lupain ay hindi lamang para sa kanilang mga katutubo ngunit para sa buong bansa.
​
Ang mga likas na yaman ng bansa ang ninanais nilang protektahan dahil ang dapat magtamasa nito ay ang kapwa Pilipino nila at hindi mga malalaking korporasyon mula sa ibang bansa. Sabi pa niya, kung ang Pilipinas ay magkakaroon lamang ng sarili at nasyonalisang pagmimina, mababawasan pag-alis ng mga Pilipinong nangingibang bansa, mababawasan ang pag-alis at pagbawas ng human resources ng bansa.
​
Maliban riyan ay isinusulong din ng mga Blaan ang laban sa sariling pagpapasiya o self-determination. Isang paraan ng pagpapakita nila nito ay sa pamamagitan ng edukasyon. Nagtayo sila ng mga alternatibong paaralan para sa kanilang mga indigenous peoples. Ngunit ito ay nahahadlangan dahil na rin sa patuloy na militarisasyon sa kanilang lugar. Bagkus ang edukasyon at pagtuturo sa kanilang lugar ay may hinaharap pang mga sagabal. Ang mga kabataan nila ay minsan narerecruit sa mga paramilitar. Ginagamit itong mga paramilitar maliban pa sa anti-insurgency na kampanya ng gobyerno upang sikilin ang mga inisyatibo ng grupong Blaan para sa sustainable agriculture.
Malungkot pang idinagdag ni Cugan na ang national operation, o ang patuloy na pagwawalang bahala sa kanila at pagmamaliit sa kanilang mga katutubo ay isa sa mga suliraning kanilang kinahaharap na hindi nararanasan ng ordinaryong mamamayang Pilipino na hindi naman katutubo.
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​
​

![]() GeographyMapa ng teritoryo ng B’laan sa Lawa ng Sebu (kaliwa); at larawan ng nasabing lawa (kanan) | ![]() Dolphing CuganIsa sa mga pinuno ng mga Blaan |
---|---|
![]() Eluh BlaanKagamitan ng mga Blaan | ![]() Blaan HeaddressKagamitan ng mga Blaan |