top of page

Ano ang kaisipan ni Rizal tungkol sa kasaysayan?

Para kay Jose Rizal, malaki ang halaga ng kasaysayan sa paglalarawan, pagpapaliwanag, at paghuhusga ng kasalukuyan at sa paglalantad ng hinaharap. Ilan sa kanyang mga akda ang naghahayag kung gaano kaimportante ang kasaysayan sa paghubog ng indibidwal, grupo, at bansa. Mababasa rin sa ilan sa kanyang mga akda na lagi niyang hinihimok ang kanyang kapwa na bumalik sa kanilang pinanggalingan, sa kanilang tinubuang lupa, sa kanilang kasaysayan.

 

Narito ang isa sa mga akda na pumapatungkol sa kaisipan ni Rizal sa paksa ng kasaysayan:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

            

 

 

“Sa mga Pilipino: Sa Noli Me Tangere, sinimulan kong ilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng ating lupang tinubuan. Ngunit, dahil sa epekto ng aking pagsisikap napagtanto ko na bago ko subuking ilantad sa inyong mga mata ang mga maaaring mangyari sa hinaharap,dapat lamang na dalihin kayo sa lumipas. Sa pamamagitan lamang nito ninyo matagumpay na mahuhusgahan ang kasalukuyan…” (Mula sa anotasyon ni Rizal sa Sucesos de las Islas Filipinas ni Dr. Antonio de Morga; orihinal sa Espanyol)

 

 

Ayon sa pag-aaral ng iskolar na si Z. A. Salazar, tiningnan ni Rizal ang kasaysayan ng Pilipinas na may paghahati sa tatlong yugto.  Tinawag ito ni Salazar bilang “tripartite view” ng kasaysayan ng mga Propagandista: ang Panahon ng Liwanag: (kalagayang pre-kolonyal ng Pilipinas), Panahon ng Dilim: (ang kalagayang kolonyal), at ang Panahon ng Muling Liwanag: (kalagayang post-kolonyal).

 

Liwanag:

May sariling sibilisasyon na ang Pilipinas at nagsisimulang umunlad gamit ang sariling talino at kakanyahan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“in long accounts of the industry and agriculture of the people – mines, gold placers, looms, cultivated farms, barter, shipbuilding, poultry and stock-raising, silk, and cottong-weaving, distilliries, manufacture of arms, pearl-fisheries, the civet industry, horn and leather industry, etc.”

 

Ang mga katagang ito ni Rizal sa La Indolencia de los Filipinos ay nagpasubali sa mababang pagtingin at paglarawan ng mga dayuhan sa atin noong bago pa man tayo nasakop. Pinatunayan niya na maunlad na ang industriyang Pilipino bago pa sila dumating.

 

Dilim:

Kabaliktaran ng pag-unlad ang naranasan ng bansa sa ilalim ng pamumuno ng Espanya. Unti-unting nawala ang mga kinagisnang magagandang asal ng mga mamamayan at napalitan ng mga bisyo. Isang ‘social cancer’ na maituturing ang naganap noong ika-19 na dekada.

 

Narito ang ilang mga komento ni Rizal sa libro ni Morga na Sucesos. Pinapatunayan nito na sadyang malaki ang pagtingin ni Rizal sa mga Pilipino bago pa man sakupin tayo ng mga Espanyol at bumaligtad ang pag-unlad na ito noong tayo ay nasakop.

 

“arduous labor directed towards demostrating the indemostratable- that the indios of yesterday were more worthy than those of today, that the conquerors drowned a rising civilization, and that civilization been permitted to develop, the Filipinos of today would have been different from what they are”

 

“The coming of the spaniards to the Filipinas, and their government, together with the immigration of the Chinese, killed the industry and agriculture of the country. The indolence then, of the inhabitants of the Filipinas is derived from the lack of foresight of the government”

 

Muling Liwanag:

Pagkawala ng mga mamamayan sa pagkakakulong at paggawa ng mga hakbangin upang makamit ang minimithing kasarinlan. Maaaring ito ay daanin sa rebolusyon o mga reporma.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Kung ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika ay pag-aralan ninyo ang inyo, inyong pakalatin, bayaang mamalagi sa bayan ang sariling pag-iisip, at sa pagnanasang maging isang lalawigan ay ipalit ang hangad na maging
bansa;…”

 

“Ayaw kayong ihawig sa Kastila? Mabuti! Sa gayon ay magpakatangi kayo sa pagbabadha ng sariling kaugalian, itayo ninyo ang tuntungan ng bayang Pilipino…. Huwag kayong umasa sa kaniya, asahan ninyo ang inyong sarili at kumilos kayo.”

 

Ang mga siping ito mula sa El Filibusterismo ni Rizal ay naglalayong iudyok ang mga mamamayan ng Pilipinas na tumayo sa sariling mga paa, bumuo ng ‘national character’ at kamitin ang kasarinlan.

Sadyang maraming ideya si Rizal na nakapagpabago sa mga Pilipino. Isa na rito ay ang pasusulong niya sa ideyang gawing larangan ng pag-aaral ang kasaysayan ng Pilipinas. May mga Europeo at mga dayuhan  noon na nag-aaral na sa kasaysayan ng Pilipinas at ang tawag sa pag-aaral na ito ay “Philippine Studies”. Ayon sa kanya ang Philippine Studies ay ang pag-aaral ng Pilipinas mula sa mga punto de vista ng mga taga-labas o mga hindi Pilipino.

​

Itinaguyod niya ang pag-aaral ng konsepto na ngayon ay tinatawag na "Pilipinolohiya". Sinabi ni Rizal na ang Pilipinolohiya ay ang pag-aaral ng mga anak ng Pilipinas sa Pilipinas. Ginawa rin niya ito upang imulat ang mga kabataan sa ‘ancient nationality’ ng bansa.

​

Noong 1974, inilunsad ang larangan na “Philippine Studies” sa U.P College of Arts and Sciences ng mga Amerikano. Ngunit ang ideyang ang “Philippine Studies” ay pag-aaral ng mga taga-labas at ng hindi mga taga-loob na hango din sa ideya ni Rizal, pinalitan ang “Philippine Studies” noong 1989 sa UP ng “Pilipinolohiya”.

​

​

SANGGUNIAN:

DAVID SAN JUAN,  QUOTABLE QUOTES NI JOSE RIZAL, (ACADEMIA, N.D.), 1.

RIZAL, LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINOS (1890), SINIPI NI SALAZAR, A LEGACY OF THE PROPAGANDA (1998)

RIZAL, ANOTACION (1890), SINIPI NI SALAZAR, A LEGACY OF THE PROPAGANDA (1998)

RIZAL, ANOTACION (1890), SINIPI NI SALAZAR, A LEGACY OF THE PROPAGANDA (1998)

RIZAL, EL FILIBUSTERISMO (1890)

RIZAL, EL FILIBUSTERISMO (1890)

Sucesos de las Islas Filipinas ni Dr. Antonio de Morga (imahe mula sa Emaze)

© 2016 by La Solidaridapat. Proudly created with Wix.com

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
  • Grey Google+ Icon
bottom of page