
Panimula
Ang layunin ng proyektong ito ay maipakita ang kung anu-anong mga kaisipan at karunungan ang masasabing ipinamana ni Rizal ukol sa kasaysayan. Layon din nitong iugnay ang mga kaisipang ito sa kaisipan at karanasan ng ating mga katutubo o indigenous peoples (IPs) bilang isa sa mga itinuturing nating nagpapatuloy na repositoryo ng kaalaman at kamalayang bayan.
​
Upang ipamahagi ang pamana ni Rizal, ang website na ito ay magpapakita ng mga akda na tumatalakay sa kasaysayan noong panahon ni Rizal at kung ano ang mga iniisip ni Rizal tungkol sa kasaysayan sa pamamagitan ng mga sipi niya. Para naman sa mga kaisipan ng mga katutubo, nagsagawa ang grupo ng pakikipanayam para maliwanagan ang kanilang kasaysayan, gayundin ang pananaw nila ukol dito. Maganda ring makita kung ano ang bisa ni Rizal sa kanila sa kasalukuyang panahon.